Friday, December 2, 2011

lunukin ang maasim na katotohanan.

Halos sampung calamansi ang biniyak ko at kinanaw sa asukal at maligamgam na tubig kanina. Kalahating pitsel ang nagawa ko, sapat na para gawing tubig sa hapong ito.

Sipon, ubo, sakit ng katawan. Nakakalungkot isipin na napakahina ng resistensya ko ngayon. Dati-rati hindi naman ako ganito, lalo na kapag kasama pa sa almusal ko ang isang tabletang ascorbic acid. Matagal akong natigil mag vitamin C, dahil na rin sa mga araw na kailangan kong uminom ng antibiotics at iba pang medisina. Dahil sa mga sakit na hindi ko akalaing tatamaan ako. Yung mga sakit na ayoko talagang magkaroon.

Kay Mama ko pa lang naririnig yung mga katagang, “Minsan, kung ano pa yung ayaw mo, yun pa yung napupunta sa’yo.” Ilang beses na ‘tong nangyari sa ‘ken. Ang pinaka-una (at may malupit na impact) na natatandaan ko e nung pumipili ako ng kurso para sa kolehiyo. Gusto kong maging arkitekto, sa totoo lang. Kaya nung nagpa-plano ako nung patapos na ang huling taon namin sa hayskul, laging kasama sa mga panalangin ko yung balak ko na yun. Saka isa pa, naging inspirasyon ko din yun mga kaibigan ko na talagang ipinagdarasal yung mga bagay na gusto nila, na sa huli’y nakakamit din nila.

Minsan hindi ko maiwasang isipin kung nagiging makasarili lang ako sa mga pangarap ko sa buhay. Dumating yung resulta ng upcat, nakapasa ako sa kursong Devstud. Wala akong ni katiting na ideya kung anong mahihita ko sa kursong yun. Devstud kasi yung ‘whammy’ course na inilagay ko sa aplikasyon ko sa up. Ibig sabihin, wala kong partikular na bias sa pangalawang course preference ko sa upm. Ganun din kasi ang ginawa ng mga matalik kong kaibigan, nag-'whammy' din sila ng isang kurso. Ginawa ko na lang din dahil 
wala na rin kasi akong ideya kung san 'safe lumanding'. Sa totoo lang, yung araw na nalaman kong nakapasa ako sa up e saka lang ako sinipag na hanapin kung anong meron sa Devstud. Prelaw pala yun. Yari ako.

Nakapasa din ako sa DOST. Ako na. Joke lang haha. E sino ba naman kasing hindi matutuwa. Sobrang saya ko nung mga panahong yun. Talagang ipinaglalaan ako ni Lord ng blessings. Umiyak, tumawa, tumalon, gumulong sa sahig, talaga naman. Yung tipo ng pakiramdam na nanalo ka sa lotto kahit hindi ka naman tumaya. I’m on the top of the world!

E hindi pwede yung naipasa kong kurso sa dost. So kinailangan kong mag-iba ng kurso. Hindi pa nga ko pumapasok sa kolehiyo shift na agad. Ako na talaga.

Pinayagan ako sa apila ko. Sabi ko kahit anong kurso na under ng scholarship ng dost. Pumayag sila. Inilagay nila ko sa Biology.

Science. Nung hayskul ang mga kilala kong nagbabalak pumasok sa area na ‘to e yung mga matatalino ko talagang  mga batchmates. Sina Jorell, Beam, Janine, etc. Ako, sa totoo lang, e binalak pang mag Malikhaing Pagsulat sa UP. O Journalism, o Masscomm, basta yung makakapagsulat ako, o makakapag-direct ng pelikula, basta kahit anong magsti-stimulate ng pagka-malikhain ko. Hindi naman sa ayoko ng science-related na kurso. Nature lover naman ako, dog-lover. Masaya ako pag nagbbyahe sa mga rural na lugar, yung maraming puno, at walang polusyon. Mahal na mahal ko ang dagat, ang kalangitan, ang ulan, ang araw, bituin at ang buwan. Akala ko hanggang dun na lang yun.

Kaso Biology.

Spelling pa lang malayo na talaga ‘to sa Architecture.

Mula noon hindi na talaga ko nag-set ng long-term goals para sa sarili ko, at hinayaan ang Panginoon na magplano para sa ken. Carpe diem.